Mga Awit 20
Wikang Tagalog Ang Banal na Bibliya · 9 verses
- 1 Ang Panginoon ay sumasagot sa iyo sa araw ng kabagabagan; itaas ka sa mataas ng pangalan ng Dios ni Jacob;
- 2 Saklolohan ka mula sa santuario, at palakasin ka mula sa Sion;
- 3 Alalahanin nawa ang lahat ng iyong mga handog, at tanggapin niya ang iyong mga haing sinunog; (Selah)
- 4 Pagkalooban ka nawa ng nais ng iyong puso, at tuparin ang lahat ng iyong payo.
- 5 Kami ay magtatagumpay sa iyong pagliligtas, at sa pangalan ng aming Dios ay aming itataas ang aming mga watawat: ganapin nawa ng Panginoon ang lahat ng iyong mga hingi.
- 6 Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang kaniyang pinahiran ng langis; sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay.
- 7 Ang iba ay tumitiwala sa mga karo, at ang iba ay sa mga kabayo: nguni't babanggitin namin ang pangalan ng Panginoon naming Dios.
- 8 Sila'y nangakasubsob at buwal: nguni't kami ay nakatindig at nakatayo na matuwid.
- 9 Magligtas ka, Panginoon: sagutin nawa kami ng Hari pagka kami ay nagsisitawag.